Qatar

Most Popular Filipino-owned Businesses Sa Qatar, kinilala!

Sa ikatlong taon ng BEST LIFE QATAR Readers Choice na inoorganisa ng isa sa pinakilalang blogger sa Qatar, ay kinilala ang mga pinaka-popular na mga Filipino-owned establishments sa bansa. Sa paglalayong mabigyan ng pagpupugay at pagpapahalaga ang mga Doha-based Filipino entrepreneurs, nilunsad ng BEST LIFE QATAR ang taunang online survey. At sa taong 2022, labing-isang categories ang ipinakilala mula sa lima noong mga nakaraang season. At sa loob lamang ng limang araw ay nakalikom ito ng mahigit 1,600 online votes at libo-libong combined likes sa kanilang social media account.

Ito ang kumpletong listahan ng mga nanguna sa nasabing online poll:

WM SKIN CARE TREATMENTS  – Most Popular Newcomer (Non-Food Category)

THE EMPANADA HOUSE DOHA – Most Popular Newcomer (Food Category)

BEAUTY LIFE LADIES SALON – Most Popular Filipino Beauty Salon

FILIPINO INSTITUTE QATAR – Most Popular Filipino Training Center

CONOR INTL EXPRESS CARGO & SERVICES QATAR – Most Popular Filipino Cargo & Freight Company

ARBEL PASTRY – Most Popular Filipino Pastries & Bakeshop

KABAYAN BREWERS – Most Popular Filipino Specialty Coffee Shop

FILIPINO HOTPACK – Most Popular Homegrown Filipino Restaurant (Diner Category)

FLAMINGO – Most Popular Homegrown Filipino Restaurant (Restaurant Category)

QABAYAN RADIO 94.3 – Most Popular Homegrown Filipino Company (Non-Food Category)

JOLLIBEE QATAR – Most Popular Filipino Company (International Operations/Franchise)

Layon din ng naturang online survey na lalo pang mahikayat ang mga home businesses at iba pang mga OFWs sa Qatar na pasukin ang  pagnenegosyo, kasabay na rin ang paghihikayat sa mga kabayan sa Qatar na tangkilin ang mga negosyong Pilipino.

Lubos ang pasasalamat ng blogger na si Mr ZEKE TUNAY sa patuloy na suporta ng mga mambabasa at tagasubaybay ng BEST LIFE QATAR, maging sa kooperasyon at inspirasyon mula sa mga brands na kabilang sa survey ngayong taon. Isang virtual announcement ang nilabas ng BEST LIFE QATAR sa kanila Youtube Channel bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga nagsipagwagi. Featured din dito ang ilan sa mga popular  Filipino content creators sa Qatarna tumulong sa paghahayag ng mga nanalo.

CLICK THE PHOTO to view YOUTUBE VIDEO




Source link

Related Articles

Back to top button